Pinagtibay kamakailan ng Parliamento ng Biyetnam ang Pambansang Planong Panlupa mula 2016 hanggang 2020.
Ayon sa naturang plano, ibababa sa mga 3.76 milyong ektarya ang lawak ng taniman ng palay, sa taong 2020.
Ayon sa estadistika, umabot sa mahigit 4 milyong ektarya ang lawak ng taniman ng palay ng Biyetnam, noong 2015.
Ipinalalagay ng Parliamento ng Biyetnam na maraming bukirin sa gawing gitna, malapit sa baybaying dagat at Mekong Delta ang hindi na angkop sa pagtatanim ng palay, dahil ang mga ito ay naaapektuhan ng tagtuyot at tubig mula sa karagatan.