Nilagdaan kamakailan sa Vientiane, Laos, ang franchising agreement ng isang proyekto ng thermal power sa lalawigang Houaphanh ng bansang ito, na may pamumuhunan ng kompanyang Tsino.
Ang China International Water and Electric Corporation ang namumuhunan sa nasabing proyekto. Ito ang kauna-unahang proyekto ng thermal power na isinasagawa ng kompanyang Tsino sa pamamagitan ng pamumuhunan.
Halos 1 bilyong Dolyares ang pamumuhunan sa unang yugto ng naturang proyekto. Nakatakdang itayo ito sa katapusan ng taong ito. Sisimulain sa katapusan ng 2020 ang pagpoprodyus ng koryente at papasok sa operasyong komersyal.
Salin: Liu Kai