Sa pakikipag-usap sa Vientiane, nitong Huwebes, Mayo 5, 2016 kay dumadalaw na Ministrong Panlabas Fumio Kishida ng Hapon, ipinahayag ni Punong Ministro Thongloun Sisoulith ng Laos ang pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng Hapon sa kanyang bansa. Umaasa rin aniya siyang tatanggap pa sila ng mas maraming tulong mula sa Hapon. Ipinahayag naman ni Kishida na ipagpapatuloy ng Hapon ang pagbibigay-tulong sa Laos.
Nauna rito, sa pakikipagusap noong Mayo 4 kay Ministrong Panlabas Saleumxay Kommasith ng Laos, iniharap ni Kishida ang "Japan-Mekong Connection Plan." Ito aniya'y naglalayong mapabuti ang konstruksyon ng imprastruktura sa Mekong River, sa pamamagitan ng paggagalugad ng human resources at pagkokompleto ng mga sistema.