Ipinahayag nitong Biyernes, Mayo 6, 2016, ni Maria Zakharova, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya, na kasunod ng pagpapalakas ng Islamic State (IS), kinakaharap ng Iraq at Syria ang lumalalang banta ng teroristikong pag-atake, gamit ang mga sandatang kemikal.
Sinabi pa niyang ikinababahala rin ni Ahmet Üzümcü, Pangkalahatang Kalihim ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons ng United Nations (UN) ang ganitong isyu. Sinabi minsan ni Ahmet Üzümcü na posibileng nakakabisa na ng IS ang teknolohiya ng pagpoprodyus ng mga sandatang kemikal at maari silang bumili ng mga materiyal para rito.
Ipinahayag ni Zakharova na ang pagkakaroon ng mga sandatang kemikal ng mga teroristikong grupong gaya ng IS ay banta sa kapayapaan at nagpapa-igting ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Noong nagdaang Abril, ginamit ng IS ang mga sandatang kemikal sa pag-atake sa lalawigang Deir ez-Zor ng Syria. Nauna rito, ginamit din ng IS ang mga sandatang kemikal sa isang pag-atake sa dakong Hilaga ng Iraq noong nagdaang Marso. Ito'y nagresulta sa pagkasawi ng 3 bata at pagkasugat ng 1500.