Ayon sa balitang isinapubliko nitong Lunes, Mayo 2, 2016 ng Ministring Pandepensa ng Pransya, inilunsad noong Abril 29 hanggang 30 ng Pransya at Amerika ang mga air raid laban sa Islamic State(IS) sa Iraq.
Kabilang sa mga target ay mga pabrika sa Qaim, isang town na mga 330 kilometro ang layo sa hilaga-kanluran ng Baghdad, at malapit sa hanggahan ng Iraq at Syria. Ang nasabing mga pabrika ay nagprodyus ng mga bomba at raw material ng sasakyan para sa suicide bombing. Anito pa, tagumpay ang mga air raid at nawasak ang ma target.
Samantala, ipinahayag Mayo 2, 2016 ng Kapulisang Iraqi na naganap sa Baghdad, kabisera ng Iraq ang suicide bombing; 16 katao ang namatay at 43 iba pa ang nasugatan. May hinala ang Kapulisan na IS ang may-kagagawan ng nasabing pagsabog. Anito, naganap ang naturang pagsabog habang nakatakdang magsadya ang mga Shiite Muslim tungo sa isang Moske sa lokalidad para sa seremonya ng pagbibigay-galang.
Nauna rito, isa pang katulad na pagsabog ang naganap sa Baghdad, noong Abril 30, 2016. Dalawangpu't apat na katao ang namatay, at 38 iba pa ang nasugatan.