Idinaos ngayong araw, Lunes, ika-9 ng Mayo 2016, sa Jakarta, ang ikalawang pulong ng diyalogong pangkabuhayan sa mataas na antas ng Tsina at Indonesya.
Sa kanilang paglahok sa pulong, kapwa binigyan ng positibong pagtasa nina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, at Darmin Nasution, Coordinating Minister for Economic Affairs ng Indonesya, ang pag-unlad ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa, sapul nang idaos ang unang pulong ng naturang diyalogo. Sinang-ayunan nilang patuloy na pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang aspekto, gaya ng kalakalan, pamumuhunan, pinansya, imprastruktura, pagtatayo ng mga industrial park, enerhiya, agrikultura, pangingisda, at iba pa.
Ipinahayag ni Yang Jiechi ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Indonesya, na palakasin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, para isakatuparan ang komong pag-unlad. Sinabi naman ni Darmin Nasution na ibayo pang magbibigay-ginhawa ang Indonesya sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa bansang ito.
Salin: Liu Kai