|
||||||||
|
||
NAGTAMO ng 30.3% na dagdag ang automotive industry sa Pilipinas sapagkat umabot ang benta ng mga sasakyan noong Abril sa bilang na 27,697 units kuyng ihahambing sa 21,259 units na nabili noong Abril ng 2015.
Ito ang nabatid mula sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. at Truck Manufacturers Association.
Ang benta noong Abril ay nakadagdag sa 24% benta na umabot sa 104,176 units na mas mataas sa 84,141 units noong Enero uno hanggang ika-tatlumpu ng Abril 2015.
Higit na sumigla ang benta ng mga kotse at commercial vehicles kung ihahambing sa benta noong Abril 2015. Ang passenger cars category ay nagkaroon ng 19% dagdag sa 9,920 units na nabenta noong Abril mula sa 8,331 units noong 2015. Ang commercial vehicles ay lumago ng 38% sa bentang umabot sa 17,777 units na mas mataas sa 12,928 units noong 2015.
Walang anumang slowdown sapagkat nalampasan ang lahat ng sales records.
Sinabi ni Atty. Rommel Gutierrez na hindi nila inaasahan ang benta noong Abril sapagkat hindi ito karaniwan sa mga nakalipas na panahon. Ang pagpasok ng mga bagong modelo ang nakatawag pansin ng mga mamimili.
Toyota Motor Philippines ang nagkaroon ng 41.52% market share at sinundan ng Mitsubishi Motors Philippines na nagkaroon ng 18.63%, Ford Motor Company ang pangatlo sa 10.59% market share. Ang Isuzu Philippines Corporation ang pang-apat sa pagkakaroon ng 8.45% sales at Honda Cars Philippines ang panglima sa bentang umabot sa 7.15% market share.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |