PATULOY na lumago ang kalakal ng mga sasakayan kung ihahambing sa bentahan noong 2014. Lumago ito ng 18% sa pagsapit ng Abril na kinatagpuan ng bentang 21,259 units kung ihahambing sa 18,015 units noong 2014.
Ayon sa Chamber of Automobile Manufacturers of the Philippines at Truck Manufacturers Association, nagkaroon ng 21% kaunlaran sa unang limang buwan sa bentang 84,141 units sa paghahambing sa 69,737 units noong nakalipas na taon.
Nagkaroon ng paglago ng 24% ang mga pampasaherong kotse sa bentang 6,697 noong Abril ng 2014 at natamo ang bentang 8,331 units nitong nakalipas na buwan. Ang commercial vehicles ay lumago rin ng 14% mula sa 11,318 units at natamo ang bentang 12,928 units ngayong taon.
Sinabi ni Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng CAMPI na ang patuloy na paglago ng bentahan sa mga pampasaherong kotse ay nagpapakita lamang ng pagpasok ng bansa sa motorization state. Lalago rin ang consumer spending sa pagtataya ng per capital income na aabot sa US$ 3000 ngayong 2015.
Nanguna pa rin ang Toyota Motors sa pagkakaroon ng 44.3%, sinundan ng Mitsubishi Motors na nagkaroon ng 19.2%, Ford Group Philippines ang pangatlo sa 8.2% share samantalang pang-apat ang Isuzu Philippines sa pagtatamo ng 7.6% at panglima ang Honda Cars na mayroong 6.3% ng pamilihan sa Pilipinas.