MAGANDA ang naitalang datos ng National Economic and Development Authority sa kanilang Monthly Integrated Survey of Selected Industries sa nakalipas na Marso, sa Volume of Production Index na lumago ng may 7.8%, na nagkaroon ng pagbagal mula sa 11.2% growth noong Pebrero.
Mas mabagal ito sa 14.9% growth na naitala noong Marso ng 2015, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Sa kabilang dako, ang Value of Production Index ay nakapagtala ng 1.9% growth noong Marso at lumago mula sa 5.6% decline noong Pebrero.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Emmanuel F. Esguerra, ang first quarter growth ay naganap dahil sa matatag at masiglang macro-economic fundamentals.
Sumigla ang manufacturing sector sa increased production sa food manufactures, electrical at non-electrical machineries at maging chemical products.