Ayon sa China Railway Rolling Stock Corporation (CRRC) Dalian Co., Ltd. nitong Martes, May 11, 2016, opisyal na pinatakbo kamakailan sa Pilipinas ang tatlong (3) light rail vehicles (LRVs) na ginawa ng nasabing kompanya.
Nilagdaan noong Hunyo, 2014 ang kasunduan hinggil sa nasabing kooperasyon. Ito ay nagkakahalaga ng 540 milyong Yuan RMB o halos 82 milyong dolyares, at naging unang kasunduan ng Tsina hinggil sa paggawa ng LRTVs. Nakatakdang tumakbo ang nasabing 3 vehicles sa MRT Line 3 ng Pilipinas. Ang LRV ay may habang 31 metro, lapad ng 2.5 metro, taas ng 3.65 metro, at tatakbo sa bilis na 65 kilometro bawat oras.
Para mas mabuting maka-angkop sa kapaligiran ng lokalidad, ang mga bagon ay yari sa stainless steel, malakas ang air-con, may automatic coupler at iba pa. Tinatayang tataas ng 60% ang kakayahan ng transportasyon ng Maynila pagkaraang simulan ang operasyon ng bagong LRVs, at magpapaluwag sa masikip na trapiko roon.
Salin: Andrea