Huwebes, ika-12 ng Mayo 2016, Kunming, Lalawigang Yunan sa timog kanluran ng Tsina—Binuksan dito ang Thai Festival na itinaguyod ng Konsulado Heneral ng Thailand sa Kunming. Itinatanghal sa nasabing kapistahang may temang "temple fair na may estilong Thai" ang kaugalian ng Thailand.
Ipinahayag ni Pornpop Uampidhaya, Consul General ng Thailand sa Kunming, na tuluy-tuloy na idinaraos ang Kunming-Thai Festival nitong nakalipas na 8 taong singkad. Nagsisilbi aniya itong mahalagang plataporma ng kalakalan at pagpapalitang kultural sa pagitan ng Thailand at Lalawigang Yunnan. Umaasa aniya siyang magiging tulay ng pagkakaibigan ng dalawang bansa ang nasabing kapistahan, para makapaghatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Tatagal hanggang ika-15 ng Mayo ang kasalukuyang Thai Festival.
Sa panahon ng kapistahan, idaraos ang pagtatanghal at pagbebenta ng mga katangi-tanging paninda, promosyon ng paglalakbay sa Thailand, pagtikim ng masarap na pagkaing Thai, palabas ng sayaw na may estilong Thai, pagtatanghal ng pagyari ng handicrafts, pagtatagpo ng mga sports star at film star at kanilang mga fans, at iba pang aktibidad.
Salin: Vera