Upang ipakilala ang turismo sa mas maraming mamamayang Tsino, sandaang (100) manlalakbay na Tsino ang inimbitahan ng Indonesia na magbiyahe sa iba't ibang lugar na panturista ng bansa, mula ika-13 hanggang ika-16 ng ngayong Mayo.
Ang proyekto ay nasa magkasamang pagtataguyod ng Baidu, kilalang search engine sa Tsina at Ministri ng Turismo ng Indonesia. Layunin nitong ipakilala sa mga Tsino ang mga pangunahing lugar na panturista sa Java, Sulawesi at iba pa, bukod sa Bali.
Target ng Indonesia na makaakit ng 20 milyong turistang dayuhan sa 2019.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio