|
||||||||
|
||
Sa Spring Festival Evening Gala, sinabi ng Pangalawang Ministro ng Turismo ng Indonesia, na ang Spring Festival ay pinakamahalagang kapistahan para sa mga Tsino sa buong daigdig. Sa okasyon ng kapistahang ito sa 2016, nagiging mas marami ang mga turistang Tsino sa Bali Island.
Ayon sa China News Service, ipinahayag kahapon, Pebrero 13, 2016, ni Hu Yinquan, Consul General ng Tsina sa Kota Denpasar ng Indonesia, na ang Bali Island ay nagiging destinasyong panturista, at parami nang paraming turistang Tsino ang nagpupunta rito.
Ang mga makukulay na palabas sa Spring Festival Evening Gala.
Ayon sa opisyal na estadistika ng Indonesia, noong isang taon, umabot sa 688 libong person-time ang bilang ng mga turistang Tsino sa Bali Island. Ito ay mas malaki ng 17.4% kumpara sa taong 2014. Ayon naman sa di-opisyal na estadistika, pinalipas ng mahigit 50 libong turista mula sa Tsina ang Spring Festival sa nasabing isla.
Dumalo sa Spring Festival Evening Gala ang mga overseas at ethnic Chinese sa Indonesia at mahigit 1,300 turistang Tsino.
Sa taong ito, idinaos ng Ministri ng Turismo ng Indonesia at kompanyang panturista ng Bali Island ang unang Spring Festival Evening Gala sa isla. Dumalo rito ang mga overseas at ethnic Chinese sa Indonesia at mahigit 1,300 turistang Tsino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |