KAKAIBA ang mga istilo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kaysa kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kung diplomasya ang pag-uusapan. Praktikal umano si G. Duterte sapagkat handa siyang makipag-usap sa Tsina na kabaliktaran ni Pangulong Aquino.
Hindi naman lumahok sa arbitration ang Tsina kaya't hindi mapapasunod sa anumang kalalabasang desisyon ng arbitral tribunal.
Naniniwala si Professor Heydarian na mahalagang maging malapit na kaibigan ang mga bansang tulad ng Tsina sapagkat natuon lamang ang pansin ng kasalukuyang administrasyon sa kahalagahan ng pakikipagkaibigan sa Estados Unidos at Japan.
Kaya din ni Mayor Duterte na pangatawanan ang pagiging punong-abala sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Association of South East Asian Nations sa susunod na taon.
Walang masama sa pakikipagkaibigan sa mga bansang tulad ng America at Japan subalit mahalagang maging malapit na kaibigan ng mga kalapit bansa tulad ng Tsina.