UMABOT sa halagang US$ 7.2 bilyon ang personal remittances sa unang tatlong buwan ng 2016 at mas mataaas ng 4.3% kung ihahambing sa datos noong 2015.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco, Jr., ang patuloy na paglago ng remittance inflowers mula sa land-based Overseas Filipinos na may mga kontratang higit pa sa isang taon ang umabot ng US$5.6 bilyon at ang compensation ng sea-based workers at land-based workers na maiiksi ang kontrata ay umabot naman sa US$1.6 bilyon.
Noong nakalipas na Marso, umabot sa US$ 2.4 bilyon at mas mataas ng 1.4% kaysa noong Marso ng 2015.
Higit sa ¾ ng padalang salapi ang nagmula sa Estados unidos, sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singappore, Hong Kong, United Kingdon, Japan, Qatar at Kuwait.