Isiniwalat Lunes, Mayo 16, 2016 ni Hoy Pichravuth, Consul General ng Kambodya sa Xi'an, Tsina na sa kabuuang dolyum ng iniluluwas na bigas ng Kambodya, 25% nito ang iniluluwas sa Tsina. Ang Tsina ang pinakamalaking pamilihan ng bigas ng Kambodya, aniya pa.
Ipinahayag ito ni Hoy sa isang aktibidad para sa promosyon ng "Jasmine rice" sa Tsina. Aniya, noong 2015, 500 libong toneladang bigas ang iniluwas ng Kambodya sa 50 bansa ng daigdig. Noong unang 3 buwan ng 2016, iniluwas ng Kambodya ang mahigit 160 libong tonelada ng bigas. Ito ay lumaki nang 8.5% kumpara sa gayon ding panahon ng taong 2015.
salin:wle