Sa panahon ng paglahok kamakailan sa Beijing sa Porum ng mga Partido ng Tsina at Europa sa Mataas na Antas, ipinahayag ng mga kinatawan ng mga bansang Europeo na gaya ng Bulgaria, Czech, Romania, Britanya, at iba pa, ang pagkatig at pag-unawa sa paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea. Ipinalalagay nilang ang arbitrasyong unilateral na iniharap ng Pilipinas ay hindi dapat maging solusyon sa naturang isyu.
Sinabi rin ng mga kinatawan na nagkakaroon ang Tsina ng soberanya sa mga isla at reef sa South China Sea, at ito ay kinikilala ng mga pandaigdig na kasunduang nilagdaan pagkatapos ng World War II. Anila pa, dapat pag-ingatan ang pakikialam ng Amerika sa isyu ng South China Sea.
Salin: Liu Kai