Batay sa inisyal at di-opisyal na resulta ng halalang pampanguluhan ng Pilipinas, ipinahayag nitong Martes, Mayo 10, 2016, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang kanyang bansa na gagamitin ng bagong pamahalaan ng Pilipinas ang mga aktuwal na hakbangin para panumbalikin ang bilateral na relasyon sa malusog na landas.
Si Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina
Binigyang-diin ni Lu na palagiang pinahahalagahan ng panig Tsino na pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Kaugnay ng umiiral na hidwaan sa pagitan ng dalawang bansa, sinabi ni Lu na umaasa ang panig Tsino na magtutulungan ang dalawang bansa para maayos na hawakan ang mga isyu.
Tinukoy pa ni Lu na sa isyu ng South China Sea, sinusuportahan ng Tsina ang "dual-track approach" na iniharap ng ASEAN. Ang nilalaman nito ay una, ang mga hidwaan ay dapat lutasin ng mga ditektang kasangkot na bansa sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian batay sa katotohanang historikal at pandaigdigang batas, ikalawa, dapat magkakasamang pangalagaan ng Tsina at mga bansang ASEAN ang katatagan at kapayapaan ng South China Sea.