Isiniwalat kahapon, Biyernes, ika-13 ng Mayo 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa ika-7 ministeryal na pulong ng Porum sa Kooperasyong Sino-Arabe, pinagtibay ng Tsina at 22 bansang Arabe ang Doha Declaration, kung saan ipinahayag ng mga bansang Arabe ang pagkatig sa paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea.
Ayon sa deklarasyong ito, kinakatigan ng mga bansang Arabe ang mapayapang paglutas ng Tsina at mga may kinalamang bansa sa hidwaan sa teritoryo at dagat, batay sa mga bilateral na kasunduan at komong palagay, at sa pamamagitan ng mapagkaibigang pagsasanggunian at talastasan. Anila pa, dapat igalang ang karapatan ng isang bansa, bilang soberanong bansa, at signatoryong bansa ng United Nations Convention on the Law of the Sea, sa sarilinang pagpili ng paraan ng paglutas sa hidwaan.
Salin: Liu Kai