Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Opisyal at ekspertong Tsino, nagpalabas ng artikulo hinggil sa isyu ng South China Sea

(GMT+08:00) 2016-05-14 15:26:31       CRI
Ipinalabas kamakailan nina Fu Ying, Tagapangulo ng Komite sa mga Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, at Wu Shicun, Puno ng National Institute for South China Sea Studies, ang artikulong pinamagatang South China Sea: How We Got to This Stage.

Anang artikulo, nitong ilang taong nakalipas, ang isyu ng South China Sea ay naging isa sa mga pangunahing isyu sa relasyong Sino-Amerikano, at mula sa isyung ito, nangingibabaw ang kompetisyon at konprontasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon sa artikulo, ang isyu ng South China Sea ay isang rehiyonal na isyung naiwan ng kasaysayan, sa pagitan ng Tsina, Biyetnam, Pilipinas, at ilang bansang Timog-silangang Asyano. Ang nukleo ng isyung ito ay may kinalaman sa soberanya, karapatan, at kapakanan sa Nansha Islands at nakapaligid na karagatan. Pero, nitong nakalipas na mahabang panahon, kontrolado ang isyu ng South China Sea. Simula noong 2009 pa lamang, lumitaw ang tensyon sa karagatang ito, at noong 2012, lumala ang kalagayan.

Anang artikulo, bilang isang malaking bansa sa labas ng South China Sea, ang pakikialam ng Amerika at pagbabago ng paninindigan nito ay pangunahing sanhi sa pagiging masalimuot ng kalagayan sa South China Sea sapul noong 2009.

Ayon pa rin sa artikulo, ilang punto ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea. Una, ang saligang pundasyon ng mga patakaran ng Tsina sa karagatang ito ay pangangalaga sa soberanya at mga karapatang pandagat nito. Ikalawa, ang mga patakaran ng Tsina ay nagpopokus din sa kalayaan at kaligtasan ng nabigasyon. Ikatlo, ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito ay komong interes ng Tsina at mga bansa sa paligid ng karagatang ito. At ikaapat, ang komong interes ng Tsina at Amerika sa South China Sea ay kalayaan at kaligtasan ng nabigasyon, at kasaganaan at katatagan sa karagatang ito.

Bilang panapos, anang artikulo, ang kinabukasan ng kalagayan sa South China Sea ay depende sa posisyon at pagpili ng iba't ibang may kinalamang panig. Ang kooperasyon ay magdudulot ng win-win result. Ang konprontasyon naman ay magreresulta lamang sa deadlock o kaya ay sagupaan, at walang panig ang makikinabang dito.

Basahin ang buong teksto ng artikulong "South China Sea: How We Got to This Stage" sa susunod na web page: http://nationalinterest.org/feature/south-china-sea-how-we-got-stage-16118

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>