Itinakda nitong Martes, Mayo 17, 2016, ng mga pamahalaan ng Rusya at Cambodia ang pagsasagawa ng kooperasyon sa mapayapang paggamit ng enerhiyang nuklear.
Nang araw ring iyon, nagtagpo sa Moscow sina Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya at kanyang counterpart na si Hun Sen ng Cambodia.
Sinabi ni Medvedev na maganda ang kinabukasan ng kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng enerhiya.
Pagkatapos ng kanilang pagtatagpo, nilagdaan ng dalawang bansa ang Memorandum of Understanding (MOU) hinggil sa pagtatatag ng magkasanib na working group at sentro ng impormasyon hinggil sa paggamit ng enerhiyang nuklear.
Dumating si Hun Sen sa Rusya noong ika-17 ng buwang ito at dadalo rin siya sa Russia ASEAN Summit na idaraos ika-19 at ika-20 ng Mayo sa Sochi.