Ipinahayag ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtutol sa resolusyon hinggil sa isyu ng Taiwan na pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Amerika nitong Lunes. Ayon sa nasabing resolusyon, ang Taiwan Relations Act at ang anim na assurances ay bumubuo ng batong panulukan ng relasyon ng Amerika at Taiwan.
Sa regular na preskon Miyerkules, sinabi ni Hong na ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina. Ipinagdiinan niyang ang nasabing mga dokumento sa pagitan ng Amerika at Taiwan ay labag sa patakarang isang Tsina na ipinangako ng Amerika at labag din sa tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika. Idinagdag pa niyang ang pagpasa ng Mababang Kapulungan ng Amerika ay pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina.
Hiniling ng tagapagsalitang Tsino sa Amerika na bawiin ang nasabing resolusyon at sundin ang pangako nito ng pagtutol sa "pagsasarili ng Taiwan."