Ipinahayag nitong Miyerkules, Mayo 18, 2016, ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang paghanga sa Republic of Togo sa pangangalaga sa pandaigdigang katarungan at pagkakapantay-pantay sa isyu ng South China Sea (SCS).
Inilabas kamakailan ng pamahalaan ng Togo ang pahayag para manawagan sa iba't ibang may kinalamang panig ng isyung ito na sundin ang mga pandaigdigang batas na gaya ng article 298 ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at buong sikap na lutasin ang mga hidwaan sa pamamgitan ng talastasan at dyalogo.
Ipinahayag din ng Togo na ang direktang diyalogo ng mga may kinalamang panig ay tanging paraan sa makatarungan at makatuwirang paglutas sa isyu ng SCS.
Kaugnay nito, sinabi ni Hong na ang paninindigan ng Togo ay angkop sa saligang katibayan ng isyu ng SCS at praktika ng mga batas. Ito rin aniya ay nagpapakita ng makatarungan at obdiyektibong palagay ng komunidad ng daigdig sa isyung ito.