Kaugnay ng pandaigdigang arbitrasyon na iniharap ng Pilipinas hinggil sa South China Sea (SCS), sinabi ngayong araw, Mayo 12, 2016, ni Xu Hong, Puno ng Kawanihan ng Kasunduan at Batas ng Ministring Panlabas ng Tsina, na iligal at walang bisa ang nasabing pandaigdigang arbitrasyon, kasi walang kapangyarihan ang arbitral tribunal sa pangangasiwa at paghahatol sa ganitong hidwaan sa SCS.
Sinabi ni Xu na palagiang iginigiit ng panig Tsino ang mapayapang paglutas sa mga hidwaan sa Pilipinas batay sa mga pandaigdigang batas. Pero aniya pa, ang arbitrasyon na iniharap ng Pilipinas ay unilateral, iligal at sapilitan.
Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Xu na una, ang arbitrasyong ito ay isyung may kinalaman sa teritoryo at soberanya ng mga reef at isla sa SCS, ito ay lampas sa saklaw ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),ikalawa, noong 2006, isinapubliko ng panig Tsino ang pahayag batay sa mga tadhana ng UNCLOS na hindi nito tatanggapin ang anumang arbitrasyon hinggil sa demarkasyon ng hanggahang pandagat, ikatlo, narating ng dalawang bansa ang kasunduan hinggil sa paglutas sa mga hidwaan sa SCS sa pamamagitan ng talastasan, at ikaapat, bago iharap ng Pilipinas ang arbitrasyon, hindi ipinatupad ng Pilipinasa ang obligasyon ng pagpapalitan ng palagay sa panig Tsino hinggil sa paraan ng paglutas ng hidwaan, batay sa kinakailangang proseso ng arbitrasyon.
Binigyang-diin ni Xu na ang aksyon ng Pilipinas ay nag-aabuso sa mga tadhana ng UNCLOS at ito rin ay nakapinsala sa kaayusan ng batas na pandagat na itinakda ng UNCLOS.
Kaugnay ng pahayag ng arbitral tribunal nauna rito na nagsasabing ang arbitrasyon ng Pilipinas ay walang kaugnayan sa teritoryo, sinabi ni Xu na ang pahayag nito ay kulang sa katibayan. Dagdag pa niya, ang mga reef at isla ng Nansha Islands sa SCS ay nabibilang sa teritoryong panlupa, kaya ang nasabing arbitrasyon ay panlilinlang sa publiko at ito rin ay lumabag sa tadhana ng pandaigdigang batas na ang mga karapatang pandagat ng mga reef at isla ay nabibilang sa mga bansa na nag-aari sa naturang lupa at ang bawat kapangyarihang pandagat ay may malinaw na kinalaman sa mga bansa.