Hinangaan kahapon, Huwebes, ika-19 ng Mayo 2016, ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagkatig ng Mozambique, Burundi, at Slovenia sa paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea.
Kamakailan, sa magkakahiwalay na okasyon, ipinahayag ng Mozambique, Burundi, at Slovenia ang pagkatig sa paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea. Anila, nauunawaan at kinakatigan nila ang paninindigan ng Tsina sa South China Sea arbitration. Umaasa silang lulutasin ng mga may kinalamang bansa ang hidwaan sa pamamagitan ng pagsasanggunian at talastasan. Nanawagan din sila para sa paggalang sa aksyon ng Tsina batay sa Article 298 ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Salin: Liu Kai