Binuksan kahapon, Huwebes, ika-19 ng Mayo 2016, sa Beijing ang unang Pandaigdig na Pulong hinggil sa Turismo para sa Pag-unlad.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng pulong, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang papel ng turismo, at ipinalabas na ang mga patakaran at hakbangin hinggil sa pagpapasulong ng turismo.
Tinukoy din ni Li na ang mapayapang kapaligirang pandaigdig ay mahalaga para sa pag-unlad ng turismo. Ani Li, iminungkahi ng Tsina ang pagsasagawa ng pandaigdig na planong pangkooperasyon sa turismo. Ito aniya ay naglalayong lumikha ng magandang atmospera para sa pag-unlad ng turismo, at pasiglahin ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig sa pamamagitan ng pag-unlad ng turismo.
Kalahok sa naturang pulong ang mahigit 1 libong personahe na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa mga departamento at sektor na panturismo ng mahigit 100 bansa, at mga opisyal ng mga may kinalamang organisasyong pandaigdig.