Ayon sa ulat na inilabas ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina, Mayo 15, 2016, ang kabuuang bolyum ng pamumuhunan sa industriya ng turismo ng Tsina noong 2015 ay lumampas sa 1 trilyong yuan RMB o halos 154.3 bilyong Dolyares na lumaki ng 42% kumpara sa taong 2014.
Tinaya ng naturang ulat na patuloy na lalaki ang kabuuang bolyum ng pamumuhunan sa industriya ng turismo. Anang ulat, sa taong 2016, ang bolyum na ito ay aabot sa 1.25 trilyong yuan RMB o halos 191.5 bilyong Dolyares at hanggang taong 2020, ang bolyum na ito ay lalampas sa 2 trilyong yuan RMB o halos 306.4 bilyong Dolyares.
Sinabi ni Wu Xuwen, Pangalawang Puno ng nasabing departamento, na noong 2015, ang kabuuang bolyum ng pamumuhunan ng mga pribadong bahay-kalakal sa industriya ng turismo ay umabot sa 577.9 bilyong yuan RMB o halos 88.5 bilyong Dolyares na katumbas ng 57.4% ng kabuuang bolyum ng pamumuhunan.
Aniya pa, ang industriya ng turismo ay naging bagong mainit na target ng pamumuhunan na tulad ng industriya ng manufacturing at real estate.