|
||||||||
|
||
Sa pagtataguyod ng Saranrom Institute of Foreign Affairs Foundation ng Thailand, idinaos nitong Huwebes, Mayo 19, 2016, sa Bangkok ang policy discussion hinggil sa isyu ng South China Sea (SCS).
Sa preskon ng nasabing diskusyon, inilahad ni Dr. Wu Shicun, Presidente ng National Institute for South China Sea Studies ang paninindigan hinggil sa arbitrasyong iniharap ng Pilipinas na may kinalaman sa isyu ng SCS sa Arbitral Tribunal.
Aniya, bilang tugon sa desisyon ng nasabing tribunal na mayroon itong jurisdiction hinggil sa arbitrisyon, noong Disyembre, 2014, isinumite ng pamahalaang Tsino ang dokumento na nagsasabing walang jurisdiction ang nabanggit na tribunal.
Ipinaliwanag ni Wu na dahil ang alitan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas ay may kinalaman sa teritoriyo, walang jurisdiction dito ang nabanggit na tribunal.
Idinagdag pa niyang ang unilateral na pagharap ng Pilipinas ay labag sa mga tadhana ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at nilagdaan ng Tsina at Pilipinas ang mga kasunduan para malutas ang alitan sa pamamagitan ng diyalogo, sa halip ng arbitrasyon.
Itinatadhana ng Article 280 ng UNCLOS na "Nothing in this Part impairs the right of any States Parties to agree at any time to settle a dispute between them concerning the interpretation or application of this Convention by any peaceful means of their own choice." Itinatadhana naman ng Article 281 na "If the States Parties which are parties to a dispute concerning the interpretation or application of this Convention have agreed to seek settlement of the dispute by a peaceful means of their own choice, the procedures provided for this Part apply only where no settlement has been reached by recourse to such means and the agreement between the parties does not exclude any further procedure."
Sinabi pa ni Wu na bago isinumite ng Pilipinas ang arbitrasyon nang walang pagpayag at paalam sa Tsina, narating ng Tsina at Pilipinas ang mga bilateral at multilateral na kasunduan, kung saan sang-ayon ang dalawang panig na lutasin ang isyu ng SCS sa pamamagitan ng diyalogo, sa halip ng arbitrasyon. Batay sa "pacta sunt servanda," saligang regulasyon ng pandaigdig na batas, hindi sinusunod ng Pilipinas ang mga may kinalamang ipinangako nito, aniya pa.
Batay sa Article 4 ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na nilagdaan ng Tsina at mga bansa ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) na kinabibilangan ng Pilipinas, "the parties concerned undertake to resolve their territorial and jurisdictional disputes by peaceful means, through friendly consultations and negotiations by sovereign states directly concerned." Noong 2011, nagpalabas din ang Tsina at Pilipinas ng magkasanib na pahayag na lutasin ang alitan sa pagitan ng pagsasanggunian.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |