|
||||||||
|
||
Sa artikulo na ipinalabas sa website ng diyaryong Lianhe Zaobao ng Singapore, ipinahayag ni Xu Bu, Embahador ng Misyong Tsino sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na dahil sa estratehiyang rebalance to Asia-Pacific ng Amerika, namumukod ang isyu ng South China Sea (SCS).
Nitong mga araw na nakalipas, ilang beses na ipinahayag nina Admiral Harry B. Harris Jr., Pacific Fleet Commander at Daniel Russel, Asistanteng Kalihim ng Estado sa mga Isyu ng Silangang Asya at Pasipiko ang palagay hinggil sa isyu ng SCS. Kinondena nila ang Tsina sa pagbabanta sa kapitbansa.
Bilang tugon, sinabi ni Embahador Xu na sa katotohanan, mahigit 30 taon na ang pagkakaiba sa soberanya at karapatang pandagat sa pagitan ng Tsina at ilang bansa sa baybayin ng SCS. Masasabing sa panahong iyon, dahil sa maayos na paghawak ng Tsina at nasabing mga bansa sa isyung ito, hindi ito nagsilbing hadlang sa patuloy na bumubuting relasyon ng Tsina at nabanggit na mga bansa. Noong Nobyembre, 2002, nilagdaan ng Tsina at mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sean (DOC) na nagsasaad ng paglutas ng mga pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo at ng pagsagawa ng mga pagtutulungang pandagat.
Pero, dahil sa paglunsad ng Amerika ng estratehiyang rebalance to Asia Pacific noong 2009, nagsimula nang maging maigting ang situwasyon ng SCS.
Makaraang matapos ni Hillary Clinton, dating Kalihim ng Estado ng Amerika ang bihaye sa Asya noong Pebrero, 2009, biglaang nagbago ang patakaran sa SCS ng ilang bansang ASEAN. Noong Marso, 2009, pinagbitay ng Pilipinas ang Archipelagic Baseline law kung saan isinama sa teritoryo ng Pilipinas ang Huangyan Island at ilang isla ng Nansha Islands. Noong Mayo, 2009, isinumite ng Vietnam sa Commission on the Limits of the Continental Shelf ng United Nations ang Extended Continental Shelf Claim upang angkinin ang Xisha at Nansha Islands ng Tsina.
Noong Mayo, 2012, sa pagdinig ng Komite sa mga Relasyong Panlabas ng Senado ng Amerika, binatikos ni Gng Hillary Clinton ang Tsina sa pagsasabing ang claim ng Tsina sa SCS ay lampas sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Isang buwan pagkaraan ng pagbatikos ni Clinton, pinagtibay ng lehislatura ng Vietnam ang Batas na Pandagat ng bansa na lakip sa teritoryo ng Vietnam ang Xisha at Nansha Islands ng Tsina. Pagtapos, sa kanyang pagbisita sa Vietnam, inulit ni Clinton ang pagkatig ng Amerika sa Vietnam at nanulsol din siya sa mga lider ng ibang bansang ASEAN na talakayin ang isyu ng SCS sa ASEAN Summit noong taong iyon. Masasabi itong tangka ng Amerika para pilitin ang mas maraming bansang ASEAN na labanan ang Tsina. Dahil dito, nakita ang paglaki ng pagkakaiba sa loob ng ASEAN.
Noong Enero, 2013, ipinasiya ng Pilipinas na talikuran ang bilateral na kasunduan niya sa Tsina at inihain ang international arbitration.
Higit pa, pinag-ibayo ng Amerika ang suportang militar sa Vietnam at Pilipinas. Para rito, inalis ng Amerika ang arms embargo sa Vietnam at nilagdaan niya, kasama ng Pilipinas ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Inanyayahan ng Amerika ang Hapon at Australia na lumahok sa Balikatan.
Sa mahabang panahon, walang problema ang kalayaan ng paglalayag at kalayaan ng paglipad sa SCS batay sa pandaigdig na batas.
Bilang panapos, inulit ni Sugong Xu ang mungkahing "dual-track" ng Tsina para malutas ang pagkakaiba sa isyu ng SCS. Ang "dual-track" ay nangangahulugan sa isang banda, ang pagkakaiba ay lutasin sa pagitan ng mga may direktang kinalamang bansa, sa pamamagitan ng diyalogo at sa kabilang banda naman, ang Tsina at mga bansang ASEAN ay magkakasamang mangalaga sa kapayapaan at katatagan ng karagatan.
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |