Ipinahayag kamakailan ni Apiradi Tantraporn, Ministro ng Komersyo ng Thailand, na isinasagawa ng Thailand at India ang pagsasanggunian para ibayo pang pahigpitin ang bilateral na kalakalan at pamumuhunan, lalo na ang talastasan hinggil sa kasunduan ng Free Trade Area (FTA).
Sinabi niyang nakahanda ang dalawang bansa na pagtibayin ang naturang kasunduan sa ilalim ng balangkas ng malayang sonang pangkalakalan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at India.
Nitong nagdaang 5 taon, ang karaniwang bolyum ng kalakalan ng dalawang bansa ay umabot sa halos 8.5 bilyong dolyares.