Naglayag kahapon, Linggo, ika-15 ng Mayo 2016, sa Thailand ang Changbaishan amphibious landing ship ng hukbong pandagat ng Tsina, na may lulang 266 na marino, para lumahok sa "Blue Assault 2016" China-Thailand Joint Training.
Lalahok ang mga marine corps ng Tsina at Thailand sa pagsasanay sa makataong relief work. Mula kahapon hanggang ika-14 ng susunod na buwan, idinaraos ang pagsasanay sa ilang lugar na gaya ng Gulf of Thailand, Chonburi Province, at iba pa.
Ito na ang ikatlong "Blue Assault" Joint Training ng mga hukbong pandagat ng Tsina at Thailand. Naglalayon itong pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga hukbong pandagat ng dalawang bansa, at palakasin ang kanilang kakayahan sa magkasamang paglaban sa mga banta sa aspekto ng di-tradisyonal na seguridad.
Salin: Liu Kai