Dumalaw sa Myanmar, Mayo 22, 2016 si John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika at kinatagpo siya ni Aung San Suu Kyi, Pambansang Tagapayo ng Myanmar. Si Kerry ang pinakamataas na opisyal ng Amerika na dumalaw sa Maynmar sapul nang magsimula sa tungkulin ang kasalukuyang pangulo at gabinete ng bansa.
Sa preskon, ipinahayag ni Kerry ang kanyang pagbati sa mapayapang pagbabago ng pangasiwaan ng Myanmar. Aniya, ito ay may mahalagang katuturan para sa komunidad ng daigdig. Ipinalalagay niyang natamo ng bagong gabinete ng Myanmar ang di-karaniwang progreso. Hinggil naman sa sangsyong isinasagawa ng Amerika sa Myanmar, ipinahayag ni Kerry na patuloy na paluluwagin ang mga sangsyon, kung patuloy na uunlad ang proseso ng demokratisasyon sa Myanmar sa hinaharap.
salin:wle