Sa ika-20 ng Mayo, matatapos ang sangsyon ng Amerika laban sa Myanmar. Bago ito, ipinasiya kamakailan ng Amerika na palawigin ang karamihan sa mga aytem ng sangsyong ito. Samantala, babaguhin naman ang ilang aytem, para pasulungin ang kalakalan at pamumuhunan ng dalawang bansa.
Ayon sa panig Amerikano, ang kapasiyahang ito ay para panatilihin ang presyur sa panig militar ng Myanmar, para iwasan ang pag-urong ng bansang ito sa reporma.
Kaugnay naman ng pagbabago, isiniwalat ng panig Amerikano, na paluluwagin ang restriksyon sa ilang bahay-kalakal ng Myanmar, at aalisin ang ilang indibiduwal sa listahan ng sangsyon.
Salin: Liu Kai