Idaraos ang 2016 G20 Summit sa Hangzhou sa Setyembre ng taong ito. Ang summit ay may temang "pagpapabuti ng kabuhayang pandaigdig na may inobasyon, sigla, konektibidad at inclusiveness" Sa pagtataguyod ng Tsina, gagawing priyoridad sa kauna-unahang pagkakataon ang isyu ng pag-unlad sa patakaran ng makro-control economy ng daigdig, at babalangkasin din ang isang serye ng plano ng aksyon para isakatuparan ang United Nations "2030 Agenda for Sustainable Development," dahil ang 2016 ay unang taon para pagsasakatuparan nito.
Noong Setyembre ng 2015, pinagtibay ang "2030 Agenda for Sustainable Development" sa United Nations Sustainable Development Summit.
Ang pagpapahigpit ng kooperasyon ng G20 ay dapat na gawain para humanap ng bagong tagapagpasulong na puwersa ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Bukod sa "2030 Agenda for Sustainable Development," mayroon ding iba pang mga topic sa gaganaping G20 Summit na gaya ng pagbabago ng paraan ng paglaki, mas mabisang pamamahala sa kabuhayan at pinansya ng daigdig, at pandaigdig na kalakalan at pamumuhunan.
salin:wle