Huwebes, ika-7 ng Abril 2016—Inilabas ng ika-2 G20 Sherpa Meeting ang pahayag ng tagapangulo hinggil sa isyu ng pagbabago ng klima. Ito ang kauna-unahang paglalabas ng espesyal na pahayag tungkol sa isyung ito sa kasaysayan ng G20. Nagsilbi rin itong mahalagang early harvest ng G20 Summit na itataguyod ng Tsina sa Hangzhou sa Setyembre ng kasalukuyang taon.
Mula ika-6 hanggang ika-8 ng kasalukuyang Abril, idinaraos sa Guangzhou ang ika-2 G20 Sherpa Meeting.
Pinasusulong ng nasabing pahayag ang pagpapatupad ng iba't ibang kasapi sa mga nilalaman at preparatoryong gawain hinggil sa Paris Agreement. Kabilang dito ang paglagda sa Paris Agreement bago o matapos ang ika-22 ng Abril, at pagsapi sa kasunduang ito batay sa sariling kalagayan sa loob ng bansa, upang mapasulong ang pagkakabisa ng kasunduan sa lalong madaling panahon.
Ipinalalagay ng iba't ibang panig na nagpupunyagi ang G20 sa aktibong pagpapatupad ng Paris Agreement, at ito ay gagawa ng mahalagang papel para sa pagpapasulong sa kooperasyong pandaigdig sa pagbabago ng klima.
Salin: Vera