Linggo, Mayo 22, 2016, sinimulang idaos ang halalan para sa ika-14 na pambansang asamblea ng Biyetnam. Ang bansa ay mayroong 69 na milyong botante, na boboto sa 91 libong polling booth. Samantala, 870 kandidato ang naglalaban para sa 500 luklukan ng asamblea.
Ayon sa datos na inilabas ng Central Election Commission ng Biyetnam, kabilang sa 870 kandidato, 773 ang miyembro ng Partido Komunista, 97 ang di-komunista, at 204 ang mula sa etnikong grupo.
Isasapubliko ang resulta ng halalan sa loob ng 20 araw, pagkatapos ng pagboto.
Tinayang idaraos ang unang sesyon ng ika-14 na pambansang asamblea ng Biyetnam sa Hulyo ng kasalukuyang taon. Ihahalal sa nasabing sesyon ang mga lider ng bansa na gaya ng pangulo, punong ministro at iba pa.
Salin: Vera