Hanoi, Biyetnam—Sabado, ika-2 ng Abril 2016, idinaos ang sesyong plenaryo ng ika-11 pulong ng ika-13 Pambansang Asamblea ng Biyetnam. Nahalal sa pulong si Tran Dai Quang bilang bagong pangulo ng bansa.
May 500 luklukan ang Pambansang Asemblea ng Biyetnam. Sa pagboto kaninang umaga, nakakuha si Tran ng 452 boto .
Si Tran Dai Quang ay ipinanganak sa Lalawigang Ninh Binh sa kahilagaan ng bansa noong 1956. Noong 2006, siya ay naging miyembro ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam, at pumasok sa pulitburo ng nasabing partido noong 2011. Nanungkulan siya bilang Minsitro ng Seguridad na Pampubliko noong 2011.
Salin: Vera