Hanoi, Biyetnam—Huwebes, ika-31 ng Marso 2016, idinaos ang sesyong plenaryo ng ika-11 pulong ng ika-13 Pambansang Asamblea ng Biyetnam, kung saan inihalal si Nguyen Thi Kim Ngan bilang tagapangulo ng Pambansang Asamblea at tagapangulo ng Pambansang Lupong Elektoral. Siya ang unang babaeng Tagapangulo ng Pambansang Asamblea ng Biyetnam.
Si Nguyen Thi Kim Ngan, unang babaeng Tagapangulo ng Pambansang Asamblea ng Biyetnam. (Photo Credit: Xinhua News Agency)
Si Nguyen Thi Kim Ngan ay ipinanganak sa Lalawigang Ben Tre sa katimugan ng bansa noong Abril ng 1954. Siya ay may bachelor's degree sa ekonomiya at master's degree sa political science. Nanungkulan din siya minsan bilang Pangalawang Ministro ng Pananalapi, Kalihim ng Hai Duong Provincial Committee ng Partido Komunista ng Biyetnam, Ministro ng Labor, Invalids, at Social Affairs, at iba pa. Noong 2001, siya'y naging Kagawad ng Komite Sentral ng Partido Komuista, at nanungkulan bilang Pangalawang Tagapangulo ng Pambansang Asamblea noong 2011. Noong 2013, pumasok siya sa Pulitburo ng Partido Komunista ng Biyetnam.
Si Nguyen ang siya ring Tagapangulo ng Grupo ng Pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam sa Pambansang Asamblea. Gumawa siya ng ambag para sa mapagkaibigang kooperasyon ng dalawang bansa nitong nakalipas na ilang taon.
Salin: Vera