Hinangaan kahapon, Biyernes, ika-20 ng Mayo 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pahayag na inilabas kamakalawa ng Ministring Panlabas ng Niger hinggil sa isyu ng South China Sea.
Sa nasabing pahayag, nanawagan ang pamahalaan ng Niger para sa paggalang sa paraan ng paglutas sa hidwaan na pinili ng iba't ibang bansa, at deklarasyon hinggil sa optional exclusions na ginawa batay sa Article 298 ng UN Convention on the Law of the Sea. Nanawagan din ito sa iba't ibang may kinalamang bansa na batay sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, at sa pamamagitan ng pagsasanggunian at talastasan, mapayapang lutasin ang hidwaan sa teritoryo at hurisdiksyon sa dagat. Ito anito ay para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Salin: Liu Kai