Guangxi, Tsina--Idinaos ngayong araw, Huwebes, May 26, 2016 ang Ika-9 na Pan-Beibu Gulf Economic Cooperation Forum at China-Indochina Peninsula Economic Corridor Development Forum.
Ang tema ng nasabing dalawang forum ay "Magkakasamang Pagpapatupad ng Belt and Road Initiative." Lumahok dito ang mga kinatawan mula sa mga bansa sa kahabaan ng nasabing gulf at corridor na gaya ng Tsina, Biyetnam, Singapore, Malaysia, Myanmar at Laos.
Ang pangunahing paksa ay may kinalaman sa pagpapasulong ng mga bansa sa kahabaan ng China-Indochina Peninsula Economic Corridor at pagtutulungan sa pagitan ng mga daungan-siyudad ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ang "Belt and Road" ay pinaikling termino ng land-based na Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road. Ang nasabing inisyatibo ay iniharap ng Tsina para sa komong kaunlaran.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac