Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

10 taong pag-unlad ng Beibu Gulf Economic Zone, mabunga: deputado ng lehislaturang Tsino

(GMT+08:00) 2016-03-11 17:48:29       CRI
Ngayong taon ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng Beibu Gulf Economic Zone ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog-kanluran ng Tsina. Ang Guangxi ay kahangga sa lupa at dagat ng karamihan ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ang nasabing sona ay binubuo ng siyam na siyudad na kinabibilangan ng Nanning, kabisera ng Guangxi; Chongzuo; Qinzhou; Fangchenggang; Yulin; at Beihai.

Puwerto ng Fangchenggang (screen shot ng website ng Beibu Gulf Economic Zone http://www.bbw.gov.cn/ )

Sinabi ni Xiao Yingzi, opisyal mula sa Qinzhou na nitong sampung taong nakalipas, dahil sa mga preperensyal na patakaran ng pamahalaang lokal at sentral, at lumalalim na pakikipagtulungan sa mga kapitbansa ng Timog-silangang Asya, mabunga ang pag-unlad ng Beibu Gulf Economic Zone. Si Xiao ay kalahok na deputado rin ng idinaraos na taunang sesyon ng National People's Congress, punong lehislatura ng Tsina.

Idinagdag pa ni Xiao na ang nasabing sonang pangkabuhayan ay sumasaklaw ng 1/5 ng lupa ng Guangxi at may 25% ng populasyon ng Guangxi. Ipinagdiinan niyang pagkaraan ng 10 taong pag-unlad, lampas sa 13.8% ang bahagdan ng paglaki ng taunang kitang piskal ng sonang pangkabuhayan; katumbas ng 1/3 ng Gross Domestic Product (GDP) ng Guangxi ang kontribusyon ng sonang pangkabuhayan at umabot sa 40% ng kitang piskal ng Guangxi ang iniambag ng sonang ito.

Tanawin ng Beibu Gulf Economic Zone (photo source: CRI)

Inilahad din ni Xiao na nitong sampung taong nakalipas, marami sa top-500 na bahay-kalakal ng daigdig mula sa loob at labas ng Tsina ay nagbukas na ng sangay sa sonang pangkabuhayan ng Guangxi. Kabilang sa mga ito ay ang Sinar Mas Group ng Indonesia. Sinabi pa ni Xiao na salamat sa pagsisikap ng mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan na nakatalaga sa sonang pangkabuhayan, mabilis ang pag-unlad ng sona sa mga industriyang gaya ng petrochemical, elektroniks at bagong enerhiya.

Isinalaysay rin ni Xiao na nahahati sa iba't ibang sub-region o industrial park ang Beibu Gulf Economic Zone at isa sa mga ito ay Guangxi ASEAN Economic and Technological Development Zone. Ito ay bunga ng pagkakapili sa Nanning bilang permanenteng pinagdarausan ng taunang China-ASEAN Expo. Ang isa pang halimbawa ay ang China-Malaysia Qinzhou Industrial Park na nakabase sa Qinzhou.

Reporter: Andrea
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>