Sa regular na preskon Huwebes, May 26, 2016, sinabi ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na mataas na pinapupurihan ng panig Tsino ang makatarungang paninindigan ng pamahalaan ng Vanuatu, Lesotho at Palestina sa isyu ng South China Sea.
Ipinahayag ni Hua na para sa anumang bansa at tao na nakakaalam ng kasaysayan ng isyu ng South China Sea, mauunawaan at kakatigan nila ang paninindigan ng Tsina sa isyung ito. Sa katotohanan, mas maraming bansa at organisasyon ang nagpapahayag ng pagkatig sa paninindigan ng Tsina sa pamamagitan ng bukas na pahayag at bilateral na tsanel, aniya pa.
Sinabi ni Hua Chunying na nitong Miyerkules, ipinalabas ng pamahalaan ng Vanuatu ang Pahayag ng Palasyo ng Punong Ministro na nagsasabing buong lakas na sinusuportahan ng Vanuatu ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea. Nanawagan naman ang Lesotho na lutasin ng mga may direktang kinalamang bansa ang isyung ito, ayon sa bilateral na kasuduan at Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, sa pamamagitan ng pangkaibigang talastasan. Samantala, sa isang panayam, sinabi naman ni Tayeb Abdul-Rahim, Pangkalahatang Kalihim ng Palasyo ng PM ng Palestina na ang mga kinauukulang pahayag at askyon ng Tsina sa isyu ng South China Sea ay nagpapakitang bilang isang responsableng bansa, hinding hindi lalapastanganin ng Tsina ang kapakanan ng ibang bansa.