Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang panig Tsino na susundin ng Australia ang pangako nitong walang papanigan sa isyu ng hidwaang pansoberanya sa South China Sea.
Nauna rito, ipinahayag minsan ni Punong Ministro Malcolm Turnbull ng Australia na dapat itigil ng Tsina ang konstruksyon sa mga isla sa South China Sea.
Kaugnay nito, sinabi ni Hong na sa kasalukuyan, matatag ang kalagayan sa South China Sea, at isinasagawa ng Tsina ang direktang talastasan sa mga bansang kasangkot para lutasin ang mga hidwaan.
Ipinahayag naman ni Hong na umaasa siyang igagalang ng Australia ang pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito.