Kaugnay ng pagsisimula ng operasyon ng mga lighthouses sa Huayang reef at Chigua reef ng Nansha Islands, ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang mga lighthouses ay magkakaloob ng mabisang patnubay at tulong sa paglalayag ng mga bapor sa karagatang ito. Ang mga ito rin aniya ay para pataasin ang kaligtasan ng paglalayag sa South China Sea.
Sinabi pa ni Hua na batay sa Maritime Traffic Safety Law ng Tsina at mga regulasyong pandaigdig, isinapubliko na ng Tsina ang mga pahayag at babala hinggil sa pagsasaoperasyon ng naturang dalawang lighthouses.
Sinabi pa ni Hua sa susunod na yugto, patuloy na itatayo ng Tsina ang mga pasilidad na pansibilyan at pampubliko sa mga reef at isla ng Nansha Islands para magkaloob ng mas magandang serbisyo para sa paglalayag ng mga bapor ng iba't ibang bansa sa South China Sea.