Nagtagpo kahapon, Biyernes, ika-27 ng Mayo 2016, sa Beijing sina Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, at Pornpetch Wichitcholchai, Tagapangulo ng National Legislative Assembly ng Thailand.
Positibo ang dalawang opisyal sa kooperasyong Sino-Thai sa iba't ibang aspekto. Ipinahayag nila ang kahandaang patuloy na palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa aspekto ng lehislasyon. Ito anila ay para pasulungin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai