Ayon sa pinakahuling datos ng Ministri ng Komersyo ng Thailand, hanggang katapusan ng 2015, lumampas sa 14.8 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Thailand at Australia. Ito ay 3 beses na mas mataas kumpara sa mahigit 3.8 bilyong dolyares noong 2004, isang taon bago nilagdaan ng dalawang bansa ang kasunduan ng malayang kalakalan noong unang araw ng Enero, 2015. Ang nasabing kasunduan ay unang kasunduan hinggil sa malayang kalakalan na nilagdaan ng Thailand.
Idinagdag pa ng nasabing ministring Thai na nakahadang magdaos ang dalawang bansa ng magkasanib na pulong ministeryal para ibayo pang mapasulong ang kalakalan at pamumuhunan.
Sapul noong unang araw ng Enero, 2015, sero taripa na ang lahat ng mga produktong Thai na iniluluwas sa Australia. Samantala, sero taripa rin ang 98.99% ng mga kalakal ng Australia na iniluluwas sa Thailand. Bukod dito, sa 2020 ang lahat ng mga kalakal ng Australia na iniluluwas sa Thailand ay tinatayang mailalagay sa sero taripa. Ang karne ng baka, karne ng baboy, gatas, butter, kape at tsaa mula sa Australia ay hindi pa nabigyan ng sero taripa ng Thailand.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio