Ipinahayag noong ika-28 ng Mayo ni Grace Fu Hai Yien, Ministro ng Kultura, Pamayanan, at Kabataan ng Singapore, na ang mga dyaryo at magasin sa wikang Tsino ng Singapore ay nakakatulong sa pag-unlad ng lipunan ng bansang ito at kulturang lokal.
Sinabi ni Fu na kasunod ng pagkakatatag at pag-unlad ng Singapore, ang mga media ng wikang Tsino ay nagpapasulong ng pagsibol ng kultura ng mga etnikong Tsino na may katangiang lokal.
Sinabi pa niyang sa kasalukuyan, dapat patuloy na patingkarin ng mga media sa wikang Tsino ang mahalagang papel sa pagkakaloob ng mayayaman at magagandang serbisyo para sa mga mamamayang lokal at pagpapasulong ng industriyang kultural ng Singapore.