Sapul nang buksan ang pagtatanghal ng mga pinta ni Wu Guanzhong, kilalang pintor ng Tsina, sa National Gallery Singapore noong ika-25 ng Nobyembre, 2015, mahigit 100 libong person-time ang bumisita dito. Dahil dito, ipinatalastas noong Huwebes, ika-12 ng Mayo 2016, ng tagapagtaguyod ng nasabing pagtatanghal na tatagal hanggang ika-25 ng Setyembre 2016 ang nasabing eksibisyon. Ito sana ay nakatakdang magtapos sa ika-3 ng Mayo, 2016.
Ang 79 grupong pinta ay mula sa National Gallery Singapore, National Art Museum ng Tsina, China Art Museum, Zhejiang Art Museum, Nanjing Museum, Hong Kong Museum of Art, at mga pribadong koleksyon.
Itatayo sa National Gallery Singapore ang pirming galeriya ni Wu Guanzhong, para idispley ang iba't ibang uri ng pagtatanghal na pansining na may kinalaman kay Wu.
Salin: Vera