"Positibo ang Tsina sa atityud ng bagong pamahalaan ng Pilipinas sa isyu ng South China Sea." Ito ang ipinahayag nitong Miyerkules, unang araw ng Hunyo, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pahayag ni Perfecto Yasay, itatalagang Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na handa ang Pilipinas sa pakikipag-usap sa Tsina tungkol sa isyu ng South China Sea.
Ipinahayag ni Hua ang pag-asang magsisikap ang bagong pamahalaan ng Pilipinas, kasama ng Tsina, para mapanumbalik ang talastasan para lutasin ang nasabing isyu.