Ipinahayag nitong Huwebes, Abril 21, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina, na natapos na ang paglalakbay-suri ng Tsina at Biyetnam hinggil sa magkakasamang operasyon sa karagatang malapit sa labas ng Beibu Bay. Aniya, nakatakdang idaos Abril 23, 2016 ng dalawang panig ang katugong seremonya ng pagdiriwang.
Sinabi ni Hua na sinimulan noong Disyembre 19, 2015 ang nasabing paglalakabay-suri, alinsunod sa komong palagay na narating ng liderato ng dalawang bansa.
Ani Hua, ito ay hindi lamang nagpapakitang magsisikap ang Tsina at Biyetnam para maayos na lutasin ang alitan, sa pamamagitan ng kooperasyon, kundi makakatulong din sa paglikha ng mapagkaibigang atmosperang pangkooperasyon sa karagatan, pagpapahigpit ng pagtitiwalaang pampulitika, at paghahanap ng paraan para pangmatagalang malutas ang mga may-kinalamang isyu sa karagatan.